Mahigit P15.9-milyong halaga ng cash, food at non-food items ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang nasunugan sa coastal village sa Lapu-lapu City.
Ayon sa DSWD, aabot sa 2,202 pamilya o 5,151 indibidwal ang apektado ng sunog sa Sitio Sta. Maria, Barangay Pusok noong Disyembre 12.
Kabuuang 581 kabahayan ang nasunog at 577 dito ang natupok.
Bawat pamilya na natupok ang bahay ay nakatanggap ng P10,530 habang ang may bahagyang nasunog ay nakatanggap ng P5,265 bawat isa.
Nasa 1,759 pamilya ang pinagkalooban din ng emergency cash transfer assistance.
Bukod sa tulong ng DSWD, namahagi din ng cash assistance ang local government unit ng lungsod. | ulat ni Rey Ferrer