Umarangkada na ang pamamahagi ng food stamps para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tondo, Maynila.
Pinangunahan nina Undersecretary for Innovations Eduardo Punay at Assistant Secretary Baldr Bringas ang pamamahagi ng food stamp sa 800 benepisyaryo.
Binigyan ang mga benepisyaryo ng Electronic Benefit Cards na may P3,000 load credits na maaaring gamitin upang bumili ng pagkain sa mga kadiwa stall.
Bahagi ang Food Stamp program ng implementasyon ng Walang Gutom 2027 ng administrasyong Marcos na layong tugunan ang food security sa bansa. | ulat ni Diane Lear