Bago pa man magtapos ang taong 2023, nakumpleto ng DSWD Caraga ang pamamahagi ng Enhanced Support Services Intervention (ESSI) cash-for-work sa Caraga Region.
Umabot sa mahigit ₱20 milyon ang naipalabas na pondo ng DSWD Caraga para sa 6,365 indibidwal na benepisyaryo ng ESSI cash-for-work para sa labing anim na araw ng pagtatrabaho.
Sa nasabing bilang, 256 beneficiaries ay nagmula sa Province of Dinagat Islands; 1,694 sa Surigao del Sur; 1,611 sa Agusan del Norte; 1,780 sa Agusan del Sur, at 1,024 sa Surigao del Norte.
Ang ESSI ay extension program ng 4Ps na layong matulungan ang mga pamilyang homeless, vulnerable groups, farmers, fisherfolks, individuals in crisis situations, at Indigenous People (IPs). | ulat ni Jocelyn Morano | RP Butuan
📸: DSWD Caraga