Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na makiisa at suportahan ang mahigit dalawang linggong kampanya para labanan ang karahasan sa mga kababaihan at kabataan.
Ayon sa DSWD, marami sa bansa ang nakakaranas ng karahasan at pananamantala pero walang kakayahan para ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Iginiit ng departamento, na may katapat na parusa ang mga lalabag sa batas partikular ang mga mapagsamantala.
Nanawagan ang DSWD, na agad i-report sa pinakamalapit na local traffic enforcer, Metropolitan Manila Development Authority, Philippine National Police, Women and Childrens protection desk o sa administrator ng mga pampublikong lugar na pinangyarihan ng insidente tulad ng mga transport terminal.
Layon ng hakbang na wakasan ang karahasan tungo sa magandang kinabukasan ng mga mamamayan. | ulat ni Rey Ferrer