Upang mas mapayabong pa ang industriya ng furniture sa Pilipinas at mas makaroon ng mga makabagong perspektibo sa industriya.
Naglunsad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Obra Design Master Class Training Program na naglalayon na mas mabigyan pa ng kakahayan ang mga aspiring furniture designer, at mapapalakas pa ang indusriya ng furniture sa bansa.
Ayon kay DTI-Philippine Trade Training Center Executive Director Nita Dillera, layon ng naturang training program na mas mabigyan ng importansya ang furniture industry na isa sa mga produktong in-export ng ibang mga bansa dahil sa magagaling na designers sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Dillera, layon din nitong suportahan ang mga aspiring designers na nais makibahagi sa industriya. | ulat ni AJ Ignacio