Muling nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na bumili ng fireworks at pampailaw ngayong ilang araw bago sumapit ang bagong taon ng tanging may mga PS marks.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, ito ay dahil sa mga kumakalat na substandard na pailaw at fireworks display sa merkado dahil hindi umano ito dumaan sa safety standards ng DTI.
Dagdag pa ni Nograles, na bago bumili ng mga pampailaw at fireworks display ay tingnan ang mga manufacturer na inilabas ng DTI na dumaan sa safety, at ligtas na gamitin ng publiko.
Muli namang paalala ng DTI sa publiko, na maging mapanuri sa mga bibilhing pampailaw at fireworks display upang maging ligtas, at hindi mapahamak sa pagsalubong sa Bagong Taon. | ulat ni AJ Ignacio