DTI, nakipagpulong sa mga Noche Buena product manufacturers para masiguro ang pagiging stable ng presyo nito sa Pasko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakipagpulong ang Deparment of Trade and Industry (DTI) sa mga Noche Buena food manufacturers upang masiguro ang pagiging stable nito sa merkado ngayong Pasko.

Personal na nakipagpulong si Trade Secretary Alfredo Pascual sa mga manufacturers dahil sa mga napapaulat na may ilang mga produkto ang hindi sumusunod sa price guide na inilabas ng DTI.

Aniya, kinakailangan nilang mas paigtingin pa ang kanilang price monitoring upang masiguro na abot-kaya ang Noche Buena items ngayong Pasko at Bagong Taon.

Sa huli, muli namang siniguro ni Secretary Pascual na magiging stable ang presyo ng Noche Buena items ngayong Pasko at Bagong Taon. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us