Dahil sa ilang linggo na lamang ay magpa-Pasko na at kabi-kabila na ang pamimili ng ating mga kababayan sa kanilang ihahanda sa Pasko, nanawagan ang Department of Trade and Industry sa publiko na maging wais sa pagbili ng Noche Buena items.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Amanda Nograles, ito’y sa kabila ng ilang napapabalitang pagtaas ng ilang produktong pang-Noche Buena.
Dagdag pa ni Nograles, maaari namang mag-mix and match ng mga brand sa gagamiting sangkap kanilang mga lulutuin.
Sa huli muli namang iginiit ni Nograles na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan ang mga brand o produktong pang-Noche Buena na mataas ang presyo upang maaksyunan nila ito. | ulat ni AJ Ignacio