Egg industry, bukas sa suhestyon na ibenta ang itlog kada kilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi isinasantabi ng Philippine Egg Board Association ang suhestyon na ibenta ang itlog kada kilo.

Sa ipinatawag na briefing ng House Committee on Agriculture ang Food patungkol sa presyo ng bigas at itlog, natanong si Philippine Egg Board Association President Francis Uyehara kung bukas ba sila na gawing kada kilo ang bentahan ng itlog.

Aniya, matagal nang pinag-uusapan sa industriya ang panukala ngunit hindi umusad dahil sa ilang problema.

Isa na rito ay kung isasama ang packaging ng itlog sa kikiluhin.

Maliban pa ito sa posibilidad na sa proseso ng pagkikilo ay mabasag ang itlog.

“So, if you’re going to sell eggs by the kilo, minimum three to four times titimbangin yung itlog. Unfortunately with the eggs, the more handling, the more chances of breakage. And before mabenta ito sa consumers, marami na pong nabasag,” saad ni Uyehara.

Aminado naman ang opisyal na may ilan na mas gusto ang di-kilo dahil sa walang standard na size o laki ng itlog.

Kaya naman mahalaga rin na i-educate ang mga mamimili sa sizes ng itlog.

Batay sa Philippine National Standard for Table Eggs ng Bureau of Agriculture and Fisheries Standards, may pitong klase ng itlog batay sa bigat, ito ang: reject, peewee, small, medium, large, extra-large, at jumbo.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us