Pormal nang inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang bagong electronic lottery o e-lotto.
Ipinakilala ni PCSO General Manager Melquiades “Mel” Robles ang e-lotto na digital version ng tradisyunal na lotto.
Ayon kay Robles, sa pamamagitan ng e-lotto mas magiging madali at mabilis na ang pagtaya sa lotto kung saan pwedeng mamili ng lucky number ang mananaya at manalo ng mga papremyo.
Inaasahan namang mag aambag ito ng dagdag kita sa PCSO na gagamitin naman nila para sa kanilang charity program.
Sa ngayon, pwede itong ma-access sa pamamagitan ng www.PCSO.gov.ph habang sa susunod na taon ay pwede na itong ma-download sa mga cellphone application.
Sinabi rin ni Robles, na isang taon na test run lang muna ang gagawin sa E-lotto para makita kung magiging epektibo ito. | ulat ni Jaymark Dagala