Iginiit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mahalagang matiyak na epektibong naipatutupad ng pamahalaan ang mga programa nito para ibsan ang epektong dulot ng inflation
Ito ang inihayag ng NEDA matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 4.1 percent na inflation rate para sa buwan ng Nobyembre ng taong kasalukuyan.
Sa bahagi ng pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan, ilan sa mga programang dapat tutukan ay ang exemption ng Toll Regulatory Board o TRB sa agricultural delivery trucks sa naka-ambang taas singil sa toll.
Dapat din aniyang magpatuloy ang ibinibigay na fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa sektor ng pampublikong transportasyon.
Una nang inilunsad ng pamahalaan ang Food Stamp 2027, na layuning tulungan ang publiko na malabanan ang epektong dulot ng inflation at mabawasan ang bilang ng mga nagugutom. | ulat ni Jaymark Dagala