Nagbabala ang Energy Regulatory Commission (ERC) laban sa mga ilang indibiduwal o grupo na nagpapanggap na kawani umano ng ahensya para manloko.
Ito’y matapos makarating sa ERC ang kumaklat na umano’y Memorandum Order nila para sa Security Badge Deposit o ang paniningil para sa aplikasyon ng ERC Security Clearance.
Ayon sa ERC, wala silang inilalabas na ganitong uri ng kautusan at anumang kumakalat ngayon lalo na social media o maging sa pamamagitan ng text messaging ay huwad o peke.
Dahil dito, hinikayat ng ERC ang publiko na ipagbigay-alam agad sa kanilang tanggapan sakaling may matanggap silang ganitong uri ng mensahe
Maaaring ipadala ang sumbong o reklamo sa e-mail ng ERC na [email protected] o tumawag lamang sa mga numerong 8689-5372 local 5211 para sa tulong o gabay. | ulat ni Jaymark Dagala