Excavation activities ng Manila Water, pansamantalang suspendido ngayong holiday season

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso na ang Manila Water na pansamantala nitong ipatitigil ang kanilang excavation activities sa ilang major thoroughfares sa sakop na Metro Manila East Zone.

Alinsunod ito sa inilabas na Memorandum Circular ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagsususpinde sa paghuhukay sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga sasakyan ngayong
Kapaskuhan.

Ayon sa Manila Water, wala namang dapat ipag-alala ang kanilang customer dahil hindi maaapektuhan nito ang ilan nilang proyekto kabilang ang pag-iinstall ng new water service connections at emergency leak repairs na exempted sa memorandum.

Mananatili rin aniya ang suporta nito sa ilan pang government flagship projects na exempted din sa memo ng MMDA.

Sa kasalukuyan, mayroon aniya itong pipe relocation at replacement works sa EDSA corner J.P. Rizal Street, Orense sa Makati City at sa Cubao, Quezon City para bigyang daan ang konstruksyon ng EDSA Greenways Project Package 1.

“These initiatives show our commitment not only to provide the best services to our customers, but also to help the government in speeding up and pursuing worthwhile projects for the benefit of the public, and to contribute to the growth of the economy as well,” pahayag ni Jeric Sevilla, Manila Water Corporate Communication Affairs Group Director. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us