Executive Order no. 51 na inilabas ni Pangulong Marcos Jr., suportado ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Jr. ang inilabas na Executive Order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa paglikha ng special committee na tututok sa mga isyu ng Lesbian Gay Bisexual Transgender (LGBTQIA+).

Ayon kay Abalos, ang paglagda sa EO No. 51, s. 2023 ng Pangulo ay isang matapang at malugod na hakbang dahil kinikilala nito ang pangangailangang harapin at ilagay ang mga karapatan ng mga Pilipino, anuman ang kasarian at oryentasyong sekswal.

Aniya, bilang Vice Chairperson ng Committee on Diversity and Inclusion na nilikha sa ilalim ng EO 51, nangangako umano ang kalihim na itulak ang may kaugnayan at kritikal na pagkakaiba-iba, mga programa at patakaran.

Una dito nag-isyu ng EO si Pangulong Marcos Jr. na layuning palakasin ang umiiral na mga mekanismo para tugunan ang patuloy na diskriminasyong nararanasan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Nabatid na ang itatalagang chairperson ng special committee on LGBTQIA+ Affairs ay makakabilang sa inter-agency committee on diversity and inclusion, na ngayon ay tinatawag nang diversity and inclusion committee.

Pamumunuan naman ng Department of Social Welfare secretary ang special committee habang co-chairperson naman ang mga kalihim ng Migrant Workers at Labor.

Kukuha din ang Pangulo ng tatlong miyembro mula sa LGBTQIA+ community na gagawing assistant secretary. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us