Facebook page ng PCSO na na-hack kahapon, naisaayos na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nabawi na ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) ang Facebook account nito matapos na ma-hack kahapon.

Hanggang kaninang umaga makikita pa sa my day ng naturang account ang ilang malalaswang larawan pero ngayon ay naalis na ito.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, tinulungan sila ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Meta upang tuluyang mabalik ang kanilang FB account.

Kaugnay nito ay maaari na rin mapanood ang livestreaming ng PCSO lotto draw sa kanilang FB page.

Sa ngayon, kinukuhaan na ng pahayag ang tatlong tauhan ng PCSO na nangangasiwa sa FB page.

Ani Robles, hindi nila inisasantabi ang anggulo ng “inside job.”

Tiniyak naman ng PCSO na walang epekto ang nangyaring hacking sa lottery system ng ahensya.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us