Facebook page ng PCSO, pansamantalang isinara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na deactivated pansamantala ang kanilang Facebook page.

Sa isang pahayag, hindi nilinaw ng PCSO kung ano ang naging dahilan ng deactivation at kung ito ba ay inatake ng mga hacker.

Una rito, ilang mga netizen ang nakakita na may malalaswang larawan sa my day o story ng PCSO FB page.

Gayunman, nilinaw ng PCSO na patuloy pa ring gumagana ang kanilang website para bisitahin ng publiko.

Una nang inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT), na nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng PCSO hinggil dito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us