Inatake ng mga hacker ang Facebook page ng Philippine National Police-Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO).
Ito ang kinumpirma mismo ng kanilang tanggapan matapos lumabas sa “My day” feature ng FB, ang larawan ng babae na nakasuot ng seksing damit.
Kasunod nito, inaabisuhan ng HRAO ang publiko na iwasan ang pakikipagtransaksyon sa kanilang FB page habang nireresolba nila ang insidente.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na ang HRAO sa PNP-Anti Cybercrime group para matukoy kung sino ang nasa likod ng hacking. | ulat ni Leo Sarne