Umaasa si Finance Secretary Benjamin Diokno na maipatutupad na sa susunod na taon ang bagong “Mining Fiscal Regime.”
Ito ang inihayag ni Diokno sa 2023 United Nations Climate Change Conference (COP28) session sa Dubai.
Ang naturang session na inorganisa ng World Bank ay naka-focus sa carbon pricing, fossil fuel subsidy reform, at pagbawas ng fiscal risks habang sinusuportahan ang climate adaptation.
Ayon kay Diokno, committed ang Pilipinas na ipatupad ang hakbang lalo na at ang bansa ay ang kasalukuyang “largest exporter” ng nickel at inaasahang magiging largest producers ng copper sa buong mundo.
Ang New Mining Fiscal Regime ay pasado na sa Kamara sa “third and final reading” at kasalukuyang pending sa Senado.
Ayon sa kalihim, ang panukalang batas ay alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing simple ang tax system ng industriya upang maging globally-competitive. | ulat ni Melany Valdoz Reyes