Ipinahayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang pasasalamat nito sa International Monetary Fund (IMF) team para sa kanilang feedback sa kasalukuyang mga polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon sa Finance Chief, nagpapasalamat siya sa mga mahalagang payo ng IMF tungo sa sustainable development at economic stability sa bansa.
Sa report na inilabas ng IMF, pinuri nito ang ilang inisyatibo ng pamahalaan partikular sa mabilis nitong mga policy action sa pamamagitan ng Medium-Term Fiscal Framework (MTFF) at contractionary monetary policy para labanan naman ang mabilis na inflation.
Kinilala rin ng IMF ang ilan pang programa ng pamahalaan kabilang ang food stamp program, 4P’s, at ang Maharlika Investment Corporation.
Kabilang rin ang pangangailangan sa pagpapatupad ng Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Bill at iba pang katulad na reporma sa kasabayang pagsusumikap na mapabuti ang oversight sa mga government-owned and controlled corporations (GOCCs).
Inaasahan naman ng IMF na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas sa 6.0 hanggang 6.5% para sa medium term dahil sa pagpapatupad ng bansa ng samu’t saring mga structural reforms.| ulat ni EJ Lazaro