Pumalo na sa halos ₱300 billion ang halaga ng investment mula sa mga nagdaang biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nag-materialize ma.
Ayon kay Communications Secretary Cheloy Velicaria – Garafil, ang mga presidential at state visit ng Pangulo ngayong 2023 ay nag-resulta sa US$5.28 billion o ₱294 billion na actualized investment.
Base sa ulat ng DTI – Board of Investment (BOI), kinabibilangan ito ng 28 proyekto, as of December 21, 2023.
“DTI-Board of Investments (BOI) Undersecretary Ceferino Rodolfo said that President Marcos’ foreign trips have actualized $4.089 billion (₱227.72 billion) investments for eight projects; $790.58 million (₱44.02 billion) for 11 projects; and, $398.17 million (₱22.17 billion) for nine projects as of December 21.” — PCO.
Ang ilan sa mga programang ito, fully-operational na, at nagi-empleyo na ng mga Pilipinong manggagawa.
Ang iba naman, nagse-set up na o pinalalawig pa ang kanilang mga pasilidad sa Pilipinas.
“Some of these projects have short gestation periods and are already fully-operational and are already employing full-time Filipinos, producing goods or delivering services; and some are already setting up or expanding their facilities – but are nevertheless already employing Filipinos as they already have set-up or expanded their offices and physical presence in the Philippines,” — PCO.
Ayon sa kalihim, katumbas rin ito ng higit 200,000 trabaho para sa mga Pilipino.
Kung matatandaan, una nang sinabi ni Pangulong Marcos na ang taong 2023 ay taon kung saan nagpatupad ng structural changes ang pamahalaan.
Bagay na mahalaga aniya sa muling pagbangon ng Pilipinas mula sa epektong iniwan ng COVID-19 pandemic. | ulat ni Racquel Bayan