Mayroon nang inisyal na higit 18,000 pamilya o halos 60,000 indibidwal ang naitalang apektado ng mga pag-ulan at pagbahang dulot ng shear line at ng bagyong Kabayan, batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center.
Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Region 7, Region 10, 11, at CARAGA.
Aabot na rin sa 15,754 pamilya o katumbas ng 51,557 na indibidwal ang pansamantalang inilikas sa 286 evacuation center habang nasa higit 2,000 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, nakapagtala na rin ang DSWD ng tatlong kabahayan na labis na nasira sa kalamidad habang 14 ang partially damaged.
Una nang tiniyak ng DSWD ang higit ₱2.6-bilyong halaga ng assistance na ilalaan nito sa mga apektadong LGU. | ulat ni Merry Ann Bastasa