Nanawagan ang HealthJustice Philippines sa pamahalaan na paigtingin ang crackdown sa e-cigarettes partikular sa vapes sa 2024.
Sa isang pahayag, sinabi ng NGO na umaasa itong mas palakasin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga hakbang nito para masawata ang talamak na bentahan na vape na aniya ay mapanganib sa mga kabataan.
Ayon kay Atty. Benedict Nisperos, legal consultant ng HealthJustice, nakakaalarma ang malawakang bentahan ng vape ngayon sa bansa na available na kahit saan at accessible sa mga kabataan.
Dahil dito, kailangan na aniyang palawakin din ang monitoring at paigtingin ang pagpapatupad ng Vape Law kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng vape sa kabataan.
Nanawagan din ang HealthJustice sa Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) na paigtingin ang education campaign upang maipabatid sa mga kabataan na hindi ligtas ang paggamit ng vape. | ulat ni Merry Ann Bastasa