Suspendido pa rin ang operasyon ng ilang pantalan sa bansa dahil sa epekto ng shear line at tropical depression Kabayan.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Disyembre 19.
Walang biyahe ang tatlong pantalan sa Davao Region at isang pantalan sa CARAGA.
Stranded ang 636 pasahero sa Eastern Visayas at CARAGA.
Habang apektado rin ang 157 rolling cargoes, at 9 sasakyang pandagat.
Patuloy ang pangangalap ng impormasyon ng ahensya sa epekto ng masamang panahon sa ilang rehiyon. | ulat ni Leo Sarne