Higit 1.5-M biyahero, inaasahang darating sa bansa ngayong Disyembre — BI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng pumalo sa 1.5 milyon ang mga biyaherong darating sa Pilipinas ngayong Disyembre ayon sa Bureau of Immigration.

Sa isinagawang PIA Presscon, sinabi ni BI Spokesperson Dana Sandoval na mula nitong Enero ay tuloy-tuloy na ang upward trend pagdating sa arrivals sa bansa.

Aniya, malapit na muling bumalik sa pre-pandemic level na 1.8-milyon ang bilang ng mga biyaherong nagtutungo sa Pilipinas dahil sa bumubuti nang economic activites.

Bukod sa arrival, inaasahan din ng BI na papalo sa higit isang milyon ang mga bibiyahe rin palabas ng bansa ngayong holiday season.

Tuloy-tuloy naman ang ginagawang paghahanda ng BI para sa pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa panahon ng Kapaskuhan.

Kasama na rito ang pagtitiyak na lahat ng tauhan sa paliparan ay kumpleto, at pagdagdag ng mobile immigration counters upang mabawasan ang bultuhan ng mga pasahero.

Hinikayat din ng BI ang mga biyahero na gamitin ang kanilang electronic gates para mas mapabilis ang pagproseso sa kanila sa paliparan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us