Tinatayang aabot sa 1,754 illegal firecrackers na ang nakukumpiska ng mga awtoridad sa Muntinlupa ilang araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.
Ayon sa PNP Muntinlupa, Muntinlupa Traffic Management Bureau, at Public Order and Safety Office maliban sa mga illegal na paputok, nasa 239 naman ang apprehended sa operasyon ng Task Force Disiplina kaugnay ng ipinagbabawal na open muffler o pipe.
Pinaalalahanan din ng Punong Lungsod ng Muntinlupa na si Ruffy Biazon na bawal ang paputok at open muffler sa kanilang siyudad alinsunod sa City Ordonance No. 14-092.
Sinumang lalabag sa nasabing ordinansa ay mahaharap sa penalty na aabot P1,000 hanggang P5,000 habang P2,500 hanggang P7,500 naman para sa mga gagamit ng open muffler o pipe sa kanilang mga sasakyan.
Patuloy rin ang pagsasagawa ng lungsod ng Fireworks Display tuwing Biyernes at Sabado kung saan may tiyansang manalo ng P10,000 ang mga lalahok sa ‘snap and share photo and video contest’ nito. | ulat ni EJ Lazaro