Pumalo sa 204,647 na pasahero ang naitalang dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kahapon para umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan, isang araw bago ang bisperas ng Pasko.
Ang nasabing bilang ay doble sa naunang projection ng terminal sa 100,000 at higit pa sa 160,000 na naitala nitong Biyernes.
Ayon sa mga bus operators at nagtitinda ng ticket sa PITX, halos fully booked na ang kanilang mga biyahe pero marami pa rin sa mga pumupuntang biyahero ang nagbabakasakali at pumupunta sa terminal para makasakay at makauwi sa kanilang mga probinsya bago ang Pasko.
Inaasahan naman na bababa na ang bilang ng mga biyehero ngayong araw ng Linggo, bisperas ng Pasko pero inaasahan muling tataas pagkatapos ng December 25. | ulat ni EJ Lazaro