Hinatuan, Surigao del Sur, isinailalim na sa State of Calamity

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Hinatuan sa lalawigan ng Surigao del Sur kasunod ng Magnitude 7.4 na lindol na naitala noong Sabado, December 2.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Hinatuan, ito ay isang hakbang upang magkaroon at maibigay ang kagyat na pangangailangan ng mga naapektuhang komunidad.

Mula sa huling ulat ng Hinatuan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot na sa ₱10.5-million ang halaga ng napinsalang pampublikong istruktura, habang aabot sa ₱88.5-million ang naapektuhang pampribadong istruktura sa Hinatuan.

Ayon naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nai-ulat na isang residente ang nasawi, habang nasa 12 naman ang sugatan. | ulat ni Mary Rose Rocero

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us