Ilang business agreements ang inaasahang malalagdaan sa biyaheng Tokyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Magaganap ang pirmahan sa ilang kasunduang may kinalaman sa pamumuhunan partikular sa sideline activities ng Chief Executive.
Ganunpaman, tumanggi muna si DTI Secretary Alfredo Pascual na tukuyin ang mga business agreements na nakatakdang lagdaan sa Lunes.
Magkakaroon pa aniya ng sesyon ukol dito na kung saan, ang ilan sa maaaring malagdaan ay mga Memorandum of Understanding (MOU).
Binigyang diin naman ni Pascual na kanilang itinuturing na bunga ng confidence o tiwala ng mga mamumuhunan ang ganitong mga business agreements at pagpapahayag ng kaseryosohan na makapaglagak ng puhunan sa bansa.| ulat ni Alvin Baltazar