Nagpaalala sa mga motorista ang Land Transportation Office-National Capital Region sa paggamit ng seatbelt habang nasa loob ng sasakyan.
Binigyang diin ni LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III na ang paggamit ng seatbelt ay para sa kaligtasan ng mga ito habang nasa biyahe.
Ayon sa ulat ng LTO-NCR Traffic Adjudication Service, mula Nobyembre 16 hanggang Disyembre 15, 2023, nasa 3,524 ang kabuuang bilang ng kanilang naitalang apprehensions.
Aabot sa 480 na apprehensions ay mga unregistered motor vehicle at 3,044 ang iba pang paglabag.
Sa limang top violations na nahuli, nangunguna ang hindi paggamit ng seatbelt, sunod ang hindi pagsusuot ng helmet, unregistered motor vehicle, overloading at mga Motor Vehicle na nag-ooperate na may depektibong accessories, devices, equipment o parts.
Sinabi ni Versoza, ang naitalang paglabag sa loob ng isang buwan ngayong taon ay 111.478% na mas mataas kumpara sa top 5 na bilang ng paglabag sa parehong panahon noong 2022. | ulat ni Rey Ferrer