Positibo si Ako Bicol Party-list Representative at House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na kakayanin na ng Pilipinas na maging rice self-sufficient.
Sa isang panayam, sinabi ng mambabatas na sa 2024 budget ay pinaglaanan ng dagdag na pondo ang pagsasa-ayos ng irigasyon sa bansa.
Kasama rin aniyang pinondohan ay ang pagtatayo ng dagdag na mga dam.
Sa paraan aniyang ito ay mapapaganda ang ani ng mga magsasaka at posibleng pang makapag-export na rin tayo sa karatig bansa sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon.
Kabuuang ₱40-₱60-billion ang inilaang pondo para sa irigasyon sa ilalim ng 2024 budget.
“Mag-iinvest tayo sa pag-improve ng irrigation systems para sa mas magandang ani. Target natin na in three years’ time, we’ll be able to achieve rice sufficiency at makakapag-export na rin to neighboring countries,” pahayag ni Co sa isang pahayag. | ulat ni Kathleen Jean Forbes