House Speaker Martin Romualdez pinangunahan ang launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Guimbal, Iloilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dagsa ang libo-libong mga Ilonggo sa launching ng Bangon Pilipinas Serbisyo Fair sa Guimbal National High School sa bayan ng Guimbal, Iloilo ngayong araw, Disyembre 9.

Panauhing pandangal sa launching sina House Speaker Martin Romualdez kasama ang mga opisyales ng Western Visayas at mga opisyales ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang BPSF ay programa ng Marcos Administration na naglalayong maghatid ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa lahat ng mga probinsya sa bansa upang mas mapalapit ang opportunidad at tulong mula sa gobyerno.

Sa launching ng BPSF sa Guimbal, Iloilo, mahigit 50 ahensya ng pamahalaan ang nakilahok sa itinuturing na pinamalaking service caravan ng gobyerno.

Ilan sa mga serbisyong hatid ng BPSF ay passport application ng DFA, libreng legal advice mula sa Department of Agrarian Reform, distribusyon ng farm equipments mula sa Department of Agriculture, livelihood assistance para sa mga ofws mula sa OWWA at marami pang serbisyo.

Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, bukod sa pagdala ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan nais ni Pangulong Ferdinand Marcos na maihatid ang agarang tulong para sa mga mamamayang nangangailangan.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malaking tulong para umunlad ang kanilang pamumuhay. | ulat ni JP Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us