Nangailangan ang mga bansang Hungary at Austria ng nasa 10,000 hanggang 20,000 skilled workers sa kanilang bansa.
Ayon kay Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation Atty. Patricia Yvonne Caunan, nakipag-usap na sila
sa naturang mga bansa at bukod sa trabahong alok, ay nais din nilang magbigay ng scholarship at training program sa mga Pinoy.
Kabilang sa kailangang trabaho sa Austria at Hungary ay mula sa sektor ng healthcare. | ulat ni AJ Ignacio