Humigit kumulang P400,000 halaga ng ipinagbabawal na paputok ang sinira ng Quezon City Police District, isang araw bago ang pagsalubong ng bagong taon.
Pinangunahan ni QCPD District Director PBGeneral Redrico Maranan ang ceremonial distruction ng firecrackers sa Camp Karingal ground.
Sinabi ni Maranan, lahat ng mga paputok ay nakumpiska dahil sa entrapment operation at pinaigting na operasyon ng lahat ng police station sa lungsod.
Kasabay nito, binalaan din ni Maranan ang mga pulis at sibilyan sa pagpapaputok ng kanilang baril.
Sinumang pulis ang mahuhuli ay sisiguruhin niyang masasampahan ng kaso at masisibak sa pwesto. Maging ang mga sibilyan ay aarestuhin at kakasuhan.
Nagpaalala ang QCPD Chief sa publiko na huwag tangkilikin ang mga paputok.
Mas mainam na gumamit na lang ng mga alternatibong paraan na makakalikha ng ingay sa pagsalubong sa bagong taon. | ulat ni Rey Ferrer