Ibayong pag-iingat, payo ng dating COVID-19 task force chief implementer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala si dating National Task Force against COVID-19 chief implementer at ngayon ay OPAPRU Sec. Carlito Galvez Jr. sa publiko na magkaroon ng ibayong pag-iingat sa gitna na rin ng pagtaas sa kaso ng COVID-19.

Ayon kay Galvez, tulad ng payo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay dapat maging maingat ang lahat at kung kailangan na magsuot ng face mask bilang proteksyon.

Una nang sinabi ni DOH Chief Information Officer Usec. Eric Tayag na bagamat mabagal, ay tumaas ang kaso ng COVID-19 sa ilang rehiyon sa bansa na sinabayan din ng respiratory illness.

Sa ngayon ay hindi rin nakikita ng DOH na kailangan maghigpit sa health restriction dahil dito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us