Plano ni Maharlika Investment Corporation (MIC) President and CEO Rafael Consing Jr. na mag-invest sa mass housing project.
Napansin kasi ng MIC Chief na marami ang bakanteng lupa ng gobyerno na maaaring gamitin sa mass housing.
Sa isang TV interview, sinabi ni Consing na maganda ang magiging tubo ng development fund sa pagpapaupa ng lupa.
Aniya sa kanyang pananaw, marami ang mabebenepisyuhan ng mass housing kung saan sila ay sisingilin ng upa.
Paliwanag nila, marami sa ating mga kababayan ang hindi kaya o walang kapasidad na bumili ng lupa, kung meron man ito ay maliit kaya nakikita nilang maaari ang pangmatagalang upa sa halip na ibenta sa kanila ang lupa.
Ayon kay Consing, sa planong “township” anuman ang available na halaga o maaaring iutang ng benepisyaryo ay maaaring magamit para sa pagtatayo ng kanilang bahay na malapit sa kanilang mga trabaho. | ulat ni Melany Valdoz Reyes