Pormal na binuksan ngayong araw ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) ang ika-apat nitong “PamasCONG Handog: Garage Sale for a Cause.”
Pinangunahan ito nina Tingog Party-list Representative Yedda Marie Romualdez at AWLFI President at Bulacan Representative Linabelle Ruth Villarica.
Tampok sa garage sale ang ilan sa mga gamit ng mga mambabatas gaya ng gown, sapatos at bag.
Mayroon ding mga tindang native products, pagkain, alahas at iba pa.
Ang kikitain sa garage sale na ito ay ilalaan sa pagpapatayo ng women and children protection unit building sa National Center for Mental Health.
Ayon kay Romualdez ito ang magsisilbing “landmark project” ng AWLFI.
Bukas ang PamasCONG Handog mula ngayong Disyembre 4 hanggang 7. | ulat ni Kathleen Forbes