Ika-5 Media Summit, pangungunahan ng Presidential Task Force on Media Security sa Baguio City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutungo sa Baguio City sa December 11, Lunes ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMs) para magbigay ng serbisyo sa mga mamamahayag ng Northern Luzon.

Ito na ang pang limang media summit na gagawin ng PTFoMs para mabigyan ng dagdag kaalaman ang mga mamamahayag.

Ayon kay Undersecretary Paul Gutierrez, pinuno ng PTFoMs, layunin nito na bigyan ng pansin ang karahasan laban sa mga mamamahayag sa bansa.

Sa naturang media summit, may mga inimbitahan na resource speakers ang PTFoMs para magbigay ng kaalaman sa tamang pagbabalita, komentaryo, pananaliksik at paglalathala upang maiwasan ang fake news o karahasan.

Una dito, nagsagawa na rin ng Media literacy ang Task Force sa Metro Manila, Tagaytay City, Cebu City at Davao City.

Imbitado sa naturang summit ang mga nasa print at broadcast media pati na rin ang mga information officer ng mga tanggapan ng gobyerno. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us