Idinaos ang ikalawang peace summit sa Tapaz, Capiz para kondenahin ang CPP-NPA sa kanilang ika-55 anibersaryo nitong Disyembre 26.
Ang aktibidad na pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Tapaz ay sinuportahan ng Joint Regional Task Force to End the Local Communist Armed Conflict in Region 6 (JRTF6-ELCAC), sa pamamagitan ng Army 3rd Infantry Division (3ID), 12th Infantry Battalion (12thIB), at 301st Brigade (301st Bde) kasama ang National Intelligence Coordinating Agency – Region 6 (NICA 6), Philippine National Police (PNP) Regional Mobile Force Battalion (RMFB) – 6, at Tapaz Municipal Police Station (MPS).
Lumahok sa pagtitipon ang 140 youth leader mula sa iba’t ibang organisasyon, kabilang ang Youth for Peace (YFP), Sangguniang Kabataan (SK), Megalith Nu Sigma Phi, Tau Gamma Phi/Sigma, Capiz State University, Probikers, Tapaz IP Youth, Gawad Kalinga (GK) Youth Organization, at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) – Tapaz Chapter.
Pinuri ni 3ID Commander MGen. Marion R. Sison ang lokal na pamahalaan ng Tapaz at mga partner agency, sa pagtutulungan para tuluyang mawakasan ang CPP-NPA sa Panay Island at sa buong Western at Central Visayas.
Sinabi ni MGen. Sison na sa pamamagitan ng ganitong mga aktibidad, mas maraming miyembro ng teroristang grupo ang mahihikayat na magbaba ng armas at magbalik-loob na sa pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne
📸: 3ID