Ikatlong araw ng pamamahagi ng pamasko sa senior citizens sa Valenzuela City, isinasagawa sa limang barangay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ngayong umaga ang ikatlong araw ng pamamahagi ng Pamaskong Handog para kay Lolo at Lola sa Valenzuela City.

Dinayo ng lokal na pamahalaan ang mga barangay ng Bagbaguin, Ugong, Gen. T. De Leon, Marulas at Karuhatan para mamahagi ng gift packs sa mga Lolo at Lola.

Ang Pamamahagi ng Pamaskong Handog sa mga senior citizens ay taunang ginagawa ng LGU tuwing Disyembre.

Tinatayang may 67,061 na senior citizen ang inaasahan na makakatanggap ng gift packs ngayong taon.

Paalala ng LGU, lahat ng nakarehistro sa Office of Senior Citizens Affairs ay makakatanggap ng pamaskong handog.

Kailangang magtungo lamang sila sa redemtion sites sa araw at oras na nakalagay sa kani-kanilang claim stab. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us