Dalawang araw bago ang araw ng Pasko, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga kababayan nating nais makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Holiday season dito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Pero para sa ilang ngayon pa lang bibili ng ticket at magtutungo sa nasabing terminal. Ilang biyahe na ang nananatiling fully booked.
Sa huling update ng PITX, fully booked na ang mga air-conditioned buses na patungong Bicol. Kaya kahit regular buses, madaling araw palang ay nakapila na ang ilan sa ating mga kababayan. Resulta mahabang pila para sa mga nais makabili ng ticket.
Fully booked na rin ang mga biyaheng patungong Baguio City at mga biyahe patungong Mindanao.
As of 11am, sa kabila ng dagsa ng mga paluwas ng Metro Manila sa PITX nananatiling maayos at mapayapa ang sitwasyon sa terminal.
Inaasahan namang papalo sa 100,000 ang mga pasaherong magpupunta ngayong araw sa PITX, mas kaunti kumpara sa higit 160,000 na naitala kagabi. | ulat ni EJ Lazaro