Ilang business meetings ang dadaluhan ng business delegation na kasama ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa biyahe nito sa Japan para sa ASEAN -Japan Commemorative Summit.
Bukod pa dito ang ilang mga business agreements na maaaring malagdaan kasunod ng mga nakalinyang pulong na may kinalaman sa pagnenegosyo na dadaluhan ng business team na pangungunahan ni DTI Secretary Alfredo Pascual.
Kaugnay nito’y inaasahang maglalabas ang Palasyo sa magiging resulta ng mapag-uusapan sa mga business meetings at mga malalagdaang agreements.
Japan ang second largest trading partner ng Pilipinas matapos na makapagtala ng 23.49 billion US dollars na total trade.
Ito ay mataas ng 10.9% mula sa 21.83 billion US dollars na nai-record nung 2021. | ulat ni Alvin Baltazar