Hindi magtitigil-pasada ang ilang mga jeepney driver na bumibyahe ng Katipunan-Balara.
Ayon sa ilang jeepney driver na nakapanayam ng RP1 team, noon pa man ay hindi na sila sumasama sa strike.
Paliwanag pa ni Mang Boy, jeepney driver, maikli lang naman ang kanilang ruta at hindi rin araw-araw sila kung bumyahe kaya magiging malaking kabawasan sa kanila kung sila ay magtitigil-pasada pa.
Kasama na ang ilang jeep dito sa nakapag-consolidate sa ilalim ng PUV Modernization Program.
Umaasa na lamang ang mga driver dito na sila ay maaalalayan ng pamahalaan at hangga’t maaari ay mapayagang makabiyahe pa rin gamit ang kanilang tradisyonal na mga jeep.
Una nang nanindigan ang LTFRB na wala nang extension sa deadline na December 31 para sa franchise consolidation.
Magiging bukas naman ang lahat ng tanggapan ng LTFRB at LTO mula Lunes hanggang Sabado, 8am hanggang 5pm, sa buong buwan ng Disyembre 2023, para tumanggap ng application for consolidation at renewal ng sasakyan. | ulat ni Merry Ann Bastasa