Ilang mga sasakyan na ilegal na nakaparada sa ilang kalsada sa QC, tiniketan at pinaghahatak ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kahit holiday season, walang patid ang isinasagawang clearing operations ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force sa Mabuhay lanes at ibang pangunahing lansangan sa Metro Manila para alisin ang mga sagabal sa mga alternatibong dinaraanan ng mga motorista.

Kabilang sa mga inalis ng MMDA, ang mga motor at sasakyan na iligal na nakaparada; at iba pang uri ng obstruksyon sa daan at bangketa sa Kamias Road, 15th Ave, 20th Ave, P. Tuazon, at Katipunan Ave sa Quezon City para maayos at ligtas na madaanan.

Umabot sa 45 ang nahuling motorista na natiketan habang nasa 12 naman ang nahatak ng MMDA.

Patuloy na nagpapaalala ang ahensiya sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko at huwag gawing parking lot ang mga sidewalk. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us