Ilang miyembro ng UN subcommittee on prevention of torture, bumisita sa Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pagpupulong ang ilang mga senador sa mga miyembro ng United Nations Subcommittee on Prevention of Torture (SPT) ngayong araw.

Sinabi ni Senate Committee on Justice chairman Senador Francis Tolentino na tinalakay nila sa pagsunod ng Pilipinas sa commitment nito sa ilalim ng Optional Protocol to the Convention Against Torture (OPCAT).

Bukod kay Tolentino, kasama rin sa naturang pagpupulong si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Ayon kay Tolentino, isa sa mga napag-usapan nila ang panukalang National Preventive Mechanism na layong maiwasan ang torture sa mga kulungan sa Pilipinas.

Sa ilalim ng panukalang batas isinusulong na maging transparent ang mga kulungan at malayang madalaw o mabisita ang mga nakakulong, hindi lang mga national penetentiary kundi sa lahat ng uri ng detention center sa bansa kasama na ang mga immigration centers.

Sa Enero target ni Tolentino na ma-sponsor ang panukalang ito at nagpahayag nang maging co-sponsor si Senador dela Rosa.

Maliban sa pakikipagpulong sa mga mambabatas, kasama rin sa magiging agenda ng mga miyembro ng UN Subcommittee on Prevention of Torture sa pagbisita dito sa Pilipinas ang silipin ang kalagayan ng mga kulungan sa bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us