Patuloy ang pag-agapay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga indibidwal na naaabot sa mga reach out operations nito sa Metro Manila.
Ayon sa DSWD, kasama sa natulungan nito ang ilang pamilyang katutubo na naihatid na ng mga social worker sa Capas, Tarlac.
Ang mga pamilyang ito ay kabilang sa na-reach out sa Caloocan City nitong Miyerkules, December 27.
Bago ihatid ay dinala muna ang mga ito sa special processing center ng Oplan Pag-Abot Project na matatagpuan sa EDSA-White Plains, Quezon City kung saan sila in-assess at pinakain. Binigyan din ng laruan ang mga bata habang sila ay inihahanda para maiuwi.
Simula December 4 ay may mahigit sa 300 na katutubo ang natulungan ng Oplan Pag-Abot Project.
Kaugnay nito, inaasahan namang tatagal pa hanggang December 31 ang special operations ng DSWD na Pag-abot sa Pasko para matulungan ang mga bata, indibidwal, at pamilya, kasama na rin ang ilang katutubo na nasa lansangan na mailayo sa kapahamakan. | ulat ni Merry Ann Bastasa