Mayroong mga panukalang batas ang idudulog ng Department of Justice (DOJ) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang matugunan ang problema ng bansa sa pagsisiksikan ng persons deprived of liberty (PDL) sa mga detention facility.
Base sa datos, as of December 31, nasa 199,079 ang mga PDL sa bansa.
Ang ilang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) detention facility ay umaabot sa 386% ang congestion rate.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano na kabilang sa mga panukalang ito ang:
Diversion of Adult Offenders; Unified Penology Act; Creation of the Department of Corrections and Penology; Reintegratoin and Psychosocial Rehabilitation; at ang pag-amyenda sa Recognizance Act of 2012.
Umaasa si Clavano na matapos ang isasagawang Jail Congestion Summit sa December 6 at 7, ang mga prayoridad na panukalang ito ay mas mabibigyang linaw, upang mahiling kay Pangulong Marcos na maging priority bill ng administrayon, at maidulog sa Kongreso. | ulat ni Racquel Bayan