Pinaigting ng Land Transportation Office (LTO) ang operasyon nito laban sa mga namimili o nangongontratang taxi driver at colorum na mga public utility vehicle ngayong holiday season.
Pinangunahan ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vogor Mendoza ang operasyon sa SM North EDSA sa Quezon City kung saan nasa 18 taxi drivers na namimili at nangongontra ng pasahero at dalawang habal-habal drivers ang nahuli.
Ayon kay Mendoza, hindi na uubra ngayon ang mga maling kalakaran na mamimili ng pasahero at tatagain pa sa bayad, at hindi na rin aniya pwede ang mga sasakyan na bumibiyahe ng walang prangkisa.
Umaasa naman si Mendoza, na mas paiigtingin ng lahat ng regional directors ng LTO at mga law enforcement service team nito ang kampanya laban sa mga pasaway na taxi driver.
Ang nasabing operasyon ay sa ilalim ng Oplan Pasaway ng LTO na layong mabawasan ang dagsa ng mga pasahero ngayong holiday season. | ulat ni Diane Lear