Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang pangunahing toll plaza sa North Luzon Expressway (NLEX) simula ngayong hapon.
Sa abiso ng NLEX Corporation,
mararamdaman ang mabigat na trapiko sa Bocaue Toll Plaza ngayong hapon hanggang mamayang hatinggabi, Disyembre 26, 29 at Enero 1.
Gayundin sa umaga ng Disyembre 27 at Enero 2.
Hindi rin ligtas sa bigat ng daloy ng trapiko ang Balintawak at Mindanao toll plaza sa tanghali hanggang gabi ng Disyembre 29 at umaga ng Disyembre 30.
Maging sa Tarlac toll plaza, inaasahan din ang heavy volume ng mga sasakyan ngayong araw, Disyembre 26 at Enero 1.
Payo pa ng NLEX Corporation sa mga motorista, na planuhin ang pagbiyahe nang naaayon at magmaneho nang ligtas. | ulat ni Rey Ferrer