Umaapela ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na tangkilikin na lamang ang community fireworks displays sa mga komunidad at huwag nang magsarili pa na magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa ganitong paraan ayon kay Fire Supt. Annalee Atienza, maiiwasan na madagdagan ang mga maitatalang sunod, sanhi ng paputok.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na as of December 26, nasa 24 na fire incidents dahil sa paputok ang kanilang naitala.
Mas mababa ito kumpara sa 28 na naitala noong nakaraang taon.
“However, nito pong dumaan ang December 24 hanggang ngayong araw eh magandang balita po ito, na zero fire incident po tayo pagdating po sa firecrackers. At panalangin po talaga natin, panatilihin na po natin ito – zero fire incident hanggang pumasok ang 2024.” —Atienza.| ulat ni Racquel Bayan