Integrated Scholarship and Incentives Program (ISIP) para sa mga kabataan inilunsad sa Iloilo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Panibagong programa ang inilunsad ng tanggapan ng House Speaker bilang tugon sa direktiba ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga kabataan na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Pinangunahan ni Speaker Martin Romualdez ang paglulunsad ng Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP) for the Youth

Ang ISIP ay isang financial assistance initiative para sa mga estudyante sa high school, Alternative Learning System, tertiary level, at vocational education institutions.

“Sa utos ng ating mahal na Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, inilunsad natin ang ISIP para sa Kabataan. Layon ng programang ito na tulungan ang mga karapat-dapat na estudyante na kapos sa pondo para makapagpatuloy sa de-kalidad na edukasyon,” sabi ni Romualdez

Kabuuang 2,000 estudyante sa lalawigan ng Iloilo ang tatanggap ng tig-P2,000 tulong kada buwan sa loob ng anim na buwan mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang mga ito sa kanilang mga bayarin.

Makaktanggap din sila ng P15,000 na taunang tulong sa ilalim ng Tulong Dunong program ng Commission on Higher Education (CHED).

Maliban dito, mayroon na rin silang slot para sa Government Internship Program (GIP) matapos magtapos at ang kanilang magulang o guardian ay isasama rin sa TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DoLE).

“This is to ensure that these students will eventually become our partners in nation-building. Nakakagana pong mag-aral pag alam mong may internship ka sa gobyerno pagka-graduate mo,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Samantala, sabayan rin inilunsad sa Iloilo ang Cash Assistance and Rice Distribution (CARD) Program.

Kabuuang 3,000 na benepisyaryo ang natukoy para makatanggap ng 25 kilo ng bigas at P1,000 pambili ng iba pang pagkain. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us